• 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5

Filipino中菲商业代表看好两国经贸合作 未来五年中菲贸易或增至600亿美元

来源:网络 上传:本站 时间:2024-01-11 阅读:


 

中菲经贸合作论坛在北京举行,菲律宾总统杜特尔特(中)和中国副总理张高丽(左)出席

在菲律宾总统杜特尔特访华期间,中菲签署了13项双边合作文件。在20日举行的中菲经贸合作论坛上,与会代表纷纷表示,看好未来中菲经贸、投资合作,认为未来五年,两国贸易额或将增长至600亿美元,中国企业赴菲投资也将增多。
  在北京很多超市里,有这样一种香蕉,外观金黄、大小相当、如同一个模子刻出来。从货架上可以找到其产地:菲律宾。销售人员介绍,这种菲律宾香蕉口感好,深受顾客青睐。


  菲律宾是香蕉种植和出口大国,中国则是菲香蕉的第二大出口市场。除了香蕉,中国每年从菲律宾进口一定量的农产品、矿产品,出口大量工业产品。中国是菲律宾第二大贸易伙伴、最大进口来源国和第三大出口市场。

  据海关统计,今年前9个月,中国与菲律宾双边贸易同比增长10.6%。这一数据显著好于同期中国外贸整体表现,也优于中国与东盟进出口情况。此次菲律宾总统来华访问,中国外交部副部长刘振民介绍,中方将恢复27家菲律宾企业对华热带水果的出口。
  除了经贸合作,中菲两国间投资合作也不断加强。数据显示,2015年,中国对菲律宾直接投资流量3142万美元,截至去年末,中国对菲律宾直接投资存量达4.32亿美元。在菲律宾工商会主席张孚超看来,与其他国家相比,中国对菲律宾的投资仍然偏少,希望中国加大对菲律宾投资力度。
  张孚超说,中国工商会的显示中国是菲律宾第二大投资贸易伙伴,中国和菲律宾、东盟的贸易在减速,但投资是我们致力于扩大的。但是,中国对菲律宾的直接投资和其他东盟国家的投资来比是很小,所以我们期待中国向我们更多的投资,两个国家的关系会有更大的发展空间和领域。

  菲律宾贸工部副部长诺拉·特拉多表示,中国是菲律宾非常有价值的商业和经济合作伙伴,菲律宾将进一步向中国投资者开放,包括制造业、纺织业、食品、渔业等等。


菲律宾贸工部副部长诺拉·特拉多发言

  特拉多说,我们非常欢迎中国和菲律宾在以下领域合作,包括交流访问、贸易和投资,以及科技方面的合作,并且找到新的合作方式,来帮助两国的小微企业进行跨境合作,这些合作有可能是交流访问,可能是贸易投资交易会,可能是商业对接,信息共享,可能是创业企业当中的连接或者是能力建设。我想鼓励大家投资菲律宾,抓住我们的投资比较优势的机会。


中国-东盟商务理事会理事长许宁宁发言

  中国-东盟商务理事会理事长许宁宁认为,产业合作应成为中菲两国经贸合作的重中之重。这不仅能够促进两国产业结构调整和升级,也有利于中小企业发展。双方应尽快就产业政策和规划加强沟通交流,制定产业合作发展规划,并积极推进产业园区建设,为两国企业开展合作,走进对方市场提供便利。



双龙房产公司CEO埃德加(Edgar Sia II

记者在论坛现场遇到了随杜特尔特总统来华的菲律宾经贸团代表。他们纷纷表示看好中菲经贸合作前景。双龙房产公司CEO埃德加(Edgar Sia II)说,作为私营企业,对中菲经贸合作未来表示乐观,中菲关系改善为两国企业创造了更多商机。随着中菲关系改善,我们相信商业合作能有显著提升,更多中国游客来到菲律宾。目前我们已经和锦江之星建立了合作伙伴关系,已在菲律宾开了两家锦江之星酒店,并在着手拓展业务,开设更多连锁酒店。
  展望两国未来经贸合作,菲律宾贸工部长洛佩兹表示,未来五年,两国贸易额或将增长至600亿美元,中国企业赴菲投资也将增多。


菲律宾贸工部长洛佩兹在论坛发言

  洛佩兹说,菲律宾的投资促进机构已经批准了很多中方来的投资,我们双边的贸易目前有170亿美元,我预计在五年之内看到这个数字会增长到600亿美元,投资也是一样。我们会有更多的游客,现在大概每年接待50万左右的中国游客,一旦我们打开大门,将会有2-4倍的游客。

 


60 bilyong dolyares, tinatayang magiging kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina’t Pilipinas; mga kinatawan sa larangang pangkabuhayan at pangkalakalan ng 2 bansa, optimistiko sa pagtutulungan sa hihaharap


Beijing, Tsina—Labintatlong (13) kasunduang pangkooperasyon ang nilagdaan Huwebes, Oktubre 20, 2016 ng Pilipinas at Tsina. Tumayong saksi sa seremonya ng paglalagda sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at dumadalaw na Pangulong Rodrigo Roa Duterte. 


Sa magkahiwalay na okasyon nang araw ring iyon, idinaos ang Philippines-China Trade and Investment Forum. Ipinahayag ng mga kalahok na kinatawang Pilipino’t Tsino mula sa larangang pangnegosyo at pangkalakalan ang kanilang optimismo sa pagtutulungan ng dalawang bansa sa hinaharap. 




Sa ngalan ng pamahalaang Pilipino at Pamahalaang Tsino, lumahok din sa seremonya ng pagbubukas sina Pangulong Duterte at Pangalawang Premyer Zhang Gaoli ng Tsina. 


Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, inilahad ni Kalihim Ramon Lopez ng Kagawaran ng Kalakalan at Industrya (DTI) na sa loob ng susunod na limang taon, tinatayang aabot sa 60 bilyong US dollar ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina’t Pilipinas. Idinagdag pa ni Lopez na sa kasalukuyan, umaabot sa 500,000 ang karaniwang taunang bilang ng mga turistang Tsino na nagpupunta sa Pilipinas, at sa hinaharap inaasahang mag-dodoble o mag-kwa-kuwadruple ang bilang na ito. 


Kabilang sa entorahe ni Pangulong Duterte sa kanyang biyahe sa Tsina ay humigit-kumulang 450 mangangalakal na Pilipino. Lumahok din sila sa nasabing forum.


Sinabi ni Edgar Sia II, kalahok na Chairman at CEO ng DoubleDragon Properties Corp na bilang kinatawan ng pribadong sektor, optimistiko siya sa kinabukasang pangkabuhaya’t pangkalakalan ng Pilipinas at Tsina. Aniya, ang pangunahing negosyo ng kanyang kompanya ay may kinalaman sa sektor panturismo. Inilahad ni Sia II na sa pakikipagpartner sa Jinjiang Inn, kilalang hotel chain ng Tsina, naitayo ang dalawang Jinjiang Inn Hotel sa Pilipinas at mas marami pa ang balak nilang itayo. Idinagdag pa niyang sa kasalukuyang biyahe sa Tsina, umaasa siyang makakahanap pa ng bagong mga partner na Tsino. 

Sa kanya namang talumpati, iminungkahi ni Xu Ningning, Puno ng China-ASEAN Business Council na ipauna ng Pilipinas at Tsina ang pagtutulungang industriyal sa kooperasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan. Makakatulong aniya ito hindi lamang sa pagpapabuti ng estrukturang industriyal ng dalawang bansa, kundi sa pag-unlad din ng mga maliit at katamtamang bahay-kalakal (SMEs). 


Ipinangako naman ni Nora Terrado, Undersecretary ng DTI na ibayo pang magbubukas ang pamilihang Pilipino sa mga mangangalakal na Tsino, sa mga larangang gaya ng industriya ng paggawa, paghahabi, pagkain at pangingisda. Idinagdag pa niyang malawak din ang espasyo ng pagtutulungan sa sektor ng Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs). 


Ipinahayag naman ni Eduardo Cobankiat, Chairman ng Anvil Business Club/Association of Young Filipino-Chinese Entrepreneurs na sa kasalukuyang “exploratory trip” sa Tsina, inaasahan ng kanyang club ang pakikipagtulungan sa mga bahay-kalakal na Tsino, lalung lalo na ang mga SMEs. Ipinahayag din niya ang kahandaang magkaloob ng serbisyo sa mga bahay-kalakal na Tsino na may balak mamuhunan sa Tsina. 


Nagtalumpati rin sa forum si George T. Barcelon, Presidente ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI); Shu Yinbiao, Chairman ng State Grid Corporation of China;  Francis Chua, Chairman ng Philippine-China Trade and Investment Council; Xiang Wenbo, Presidente ng SANY Heavy Industry Co. Ltd. 


Ulat: Jade/Chen Yu 
Pulido: Rhio

Editor:Lele

[发表评论] [收藏本页]